-- Advertisements --

Nakabalik sa pagiging numero 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) rankings si Carlos Alcaraz.

Ito ay matapos talunin ng Spanish tennis star si Daniil Medvedev ng Russia sa Indian Wells.

Nasa pangalawang puwesto naman si Novak Djokovic habang pumangatlo sa ranking si Stefanos Tsitsipas.

Sa loob naman ng 18 taon ay wala sa listahan ng top 10 ng ATP ranking si Rafael Nadal.