-- Advertisements --
Dinomina ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang laban sa Algerian veteran na si Mohamed Flissi sa quarterfinals ng flyweight (48-52kg) division na ginanap sa Kokugikan Arena sa Tokyo.
Sa pagtatapos ng third round, ibinigay ng mga ring judges ang 5-0 decision pabor lahat kay Paalam.
Hindi umubra sa Pinoy ang counter-punching style ng mas matangkad na kalaban.
Ang atleta na taga-Carmen, Cagayan de Oro ay isang panalo na lamang ang kailangan upang matiyak ang ikatlong medal para sa Team Pilipinas.
Ang next fight ni Paalam ay manggagari sa August 3.