-- Advertisements --

Matapos ang pitong taon bilang magkasintahan, nakatakda nang ikasal ang magkasintahang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Ngayong Linggo ng tanghali, March 21, sabay na inanunsiyo ng 34-year-old actress at 33-year-old actor ang tungkol sa simula ng kanilang “forever.”

Sa pamamagitan ng Instagram post, kapwa nag-post ang soon to be husband and wife ng litrato nila kung saan naka-focus ang diamond ring na suot ni Abellana.

Carla Tom engaged

Idinaan ni Tom sa isang love quote mula sa sikat na poet/diplomat/politician na si Pablo Neruda ang nagsilbing caption nito sa naturang picture.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…” ani Rodriguez.

-- Advertisement --

Sa panig naman ng bride to be, “million times” o paulit-ulit aniya siyang sasagot ng “yes” sa marriage proposal ni Tom.

Wala pa namang nabanggit sina Tom at Carla kung kailan gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib.

Taong 2019 nang aminin ng groom to be na nakakaramdam sila ng pressure ng long time girlfriend mula sa publiko hinggil sa usapin ng pagpapakasal.

Kung maaalala, bago kay Rodriguez ay galing si Abellana sa four year relationship kay Geoff Eigenmann na nauwi sa hiwalayan noong 2014.

Nagkakilala naman si Carla at Tom na gumanap bilang “gay husband” nito sa serye noong 2013 na “My Husband’s Lover.”

Si Abellana ay anak ng aktor na si Rey PJ Abellana at apo ng beterana ring artista na si Delia Razon.