-- Advertisements --
Umatras sa pagsali sa Gilas Pilipinas si dating University of the Philippines star Carl Tamayo.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na hindi na nila isinama si Tamayo para sa pagsabak ng national team sa FIBA World Cup dahil sa kaniyang injury.
Mismo aniya si Tamayo ang nagdesisyon na huwag muna sumama dahil sa hindi pa gumagaling ang kaniyang injury sa tuhod.
Dagdag pa ni Reyes na kanilang nirerespeto ang nasabing desisyon na ito ni Tamayo.
Magugunitang kasalukuyang naglalaro ngayon si Tamayo sa Japan B. League champions sa koponang Ryukyu Golden Kings.