Nanawagan ang Caritas Philippines sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka ng sibuyas sa bansa.
Ayon sa social action and development arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga magsasaka na sila ang magiging solusyon sa mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.
Sinabi pa ni Caritas Philippines president Bishop Jose Colin Bagaforo, na dapat magbigay ang gobyerno ng pinansiyal na tulong o subsidiya para matulungan ang mga magsasaka para mapababa ang cost of production.
Isa rin na maaring matignan ng gobyeno ang infrastructural investment na mas lalong makakadagdag sa produksyon ng sibuyas sa bansa.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nagkasundo ang Department of Agriculture at Caritas Philippines para sa implementasyon ng Kadiwa program na siyang magkokonekta sa kooperatiba ng mga magsasaka sa pamilihan at sa mga mamimili.










