TACLOBAN CITY – Ligtas na sa ngayon ang aabot sa 21 mga crew members kasama na ang kapitan ng isang cargo vessel matapos masira ang makina nito sa gitna ng karagatan sa Sitio Mal-pal, Brgy. San Luis, Capul, Northern Samar.

Ayon kay Lt. Paterno Belarmino Jr., Station Commander ng Philippine Coast Guard Northern Samar, biyahe galing Legazpi City papunta sanang Tagbilaran City ang naturang sasakyan pandagat na may kargang buhangin ng bigla nalang nasira ang makina at generator nito.

Umabot muna ng halos apat na oras bago marescue ng PCG at mga kapulisan ang mga biktima.

Sa ngayon ay nanatili muna sa LGU Capul ang mga narescue at inaasahan na mastranded ang kanilang biyahe dahil na rin sa pagpasok ng masamang panahon na papangalanang bagyong Tisoy.