-- Advertisements --

Napilitang magsagawa ng emergency landing ang isang Boeing 777 airliner matapos na makaranas ng problema sa makina sa Moscow.

Ayon sa airline Rossiya, nangyari ang insidente ng cargo fligth 4520 mula Hong Kong hanggang Madrid ng magkaroon ng aberya ang engine control sensor.

Para maiwasan ang sakuna ay napilitan na silang magsagawa ng emergency landing.

Magugunitang isang Boeing passenger plane din ang nagkaaberya sa Denver kung saan nahulog ang mga debris nito sa kabahayan.