-- Advertisements --
Naging matagumpay ang pagbisita sa China ni Cardinal Matteo Zuppi ang isa sa envoy ni Pope Francis.
Ayon sa Vatican, na nagkaroon ng pag-uusap ang obispo sa ilang opisyal ng China.
Ilan sa mga tinakalay ay ang paghahanap ng paraan kung paano tuluyang matapos ang kaguluhan sa Ukraine.
Nakausap ni Zuppi si Li Hui ang Special Envoy for Eurasian Affairs ng China.
Nagkasundo ang mga ito na hikayatin ang bawat panig na isulong ang mapayapang pag-uusapin para matapos na ang kaguluhan sa Ukraine.