-- Advertisements --

Babalik na ng Rome ang dating treasurer ng Vatican na si Cardinal George Pell matapos ibasura ang kasong hinaharap nito na may kaugnayan sa sexual abuse.

Ayon sa impormasyon, matagal na raw ninanais ni Pell na bumalik ng Rome at nakatakda itong umalis ng Sydney ngayong araw.

Magugunita na noong Abril ng taong kasalukuyan nang bawiin ng mataas na korte sa Australia ang kaso laban kay Pell. Inilabas ang desisyong ito ni Chief Justice Susan Kiefel kung saan ipinag-utos ng pitong hukom ang pagbasura sa mga kaso ni Pell at agarang pagpapalaya rito.

Dahil dito ay hindi na maaaring sampahan ulit ang cardinal ng parehong kaso na nangangahulugan ding tuluyan nang natuldukan ang mga alegasyon laban sa pang-aabuso umano ng mga pari ng Simbahang Katoliko

Noong Marso nang nakaraang taon ay sinentensyahan si Pell ng hanggang anim na taong pagkakakulong matapos mapag-alaman na guilty ito sa limang offences kasama na ang “sexual penetration of a child.”