-- Advertisements --

Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec), bilang National Board of Canvassers, ang pag-canvass ng mga boto para sa senatorial at party-list race.

Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, sa ngayon ay hinihintay pa ng komisyon ang electronic transmission ng resulta ng naganap na eleksyon para sa nasabing race.

Paliwanag naman ni Commissioner George Garcia, bukas pa raw kasi nakatakdang dumating ang naturang resulta.

Nilinaw din niya na magpapatuloy naman ang canvassing sa municipal, city at provincial sa oras na matapos na ang pagbibilang doon.

Samantala, nakatakda namang ipagpatuloy ng Comelec ang canvassing ng mga boto dakong alas-1 ng hapon bukas, Mayo 10, 2022.