Golovkin weigh in
Kazakh star Gennady “GGG” Golovkin

Maaaring matupad na rin umano sa taong 2020 ang inaabangang ikatlong pagtutuos nina Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez at karibal na Kazakh champ na si Gennady “GGG” Golovkin.

Ayon kay Joe Markowski, DAZN executive vice president for North America, kumpiyansa sya na maisasagawa ang third fight ng mahigpit na magkaribal matapos silang mabigo na maisaayos ito ngayong 2019.

Iba’t ibang career move kasi ang ginawa ng dalawa.

Kamakailan lamang ay nakalusot si GGG kay Sergiy Derevyanchenko para masungkit ang IBF middleweight crown.

Sa Nobyembre 2 naman ay haharapin ni Canelo sa mas mabigat na timbang si light heavyweight Sergey Kovalev.

Sinasabing sa katapusan ng taon ay ipagpapatuloy na umano ang naudlot na negosasyon para mabuo ang May 2020 big fight.