Tinupad ng Canadian crooner Michael Bublé ang kahilingan ng kaniyang yumaong lolo na si Demetrio na ibigay ang bahay nito sa tagapag-alaga nitong nurse na isang Filipina.
Nagpatulong ang 44-anyos na Canadian crooner sa TV host na sina Drew at Jonathan Scott para ianunsiyo ang sorpresa sa Pinay nurse na si Minette.
Sa loob kasi ng walong taon ay naging tagapag-alaga si Minette sa lolo at lola ng singer haggang ito ay maging caretaker ng kanilang bahay.
Ikinonsidera na kasi ng Grammy award-winning singer ang Pinay nurse bilang isang tunay na miyembro ng kanilang pamilya.
Walang kaalam-alam naman si Minette na ipinaayos ang inalagaan nitong bahay dahil nakabakasyon ito ng ilang linggo sa Pilipinas.
Hanggang sa bumalik ito ay doon na lamang inanunsiyo ng singer ang sorpresa nito sa Pinay nurse.