-- Advertisements --

Napatunayang guilty ng Los Angeles jury ang Canadian rapper na si Tory Lanez dahil sa pamamaril sa kapwa singer na si Megan Thee Stallion.

Ayon sa jury na guilty ang 30-anyos na si Lanez o Daystar Peterson sa tunay na buhay ng three felony counts, carrying loaded and unregistered firearms in vehicles, assault with semiautomatic handgun at discharging a firearm with gross negligence.

Dahil dito ay mahaharap siya ng 20-taon na pagkakakulong at posibleng deportation sa Canada.

Nagpasalamat naman ang mga abogado ni Megan at sinabing tama lamang ang naging hatol ng korte.

Una ng inilahad sa korte ng 27-anyos na Grammy-winning rapper na si Megan Thee Stallion na siya ay binaril sa paa ni Lanez habang sila ay nasa pool party sa Hollywood Hills noong Hulyo 2020.

Nagbunsod ang insidenet matapos ang sagutan nila na nagresulta rin sa pag-aatake sa kanila.