-- Advertisements --
naia

Nakatakda nang isalang sa inquest proceedings ang isang hinihinalang pekeng Pinoy.

Kasunod na rin ito nang pagkakahuli sa suspek 49-anyos na suspek ng Bureau of Immigration at agad namang dinala sa Legal Division para sa inquest dahil sa paglabag nito sa Philippine Immigration Act.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) acting head Ann Camille Mina, ang suspek ay isang Canadian.

Nai-refer ito sa primary inspectors matapos tangkaing sumakay ng eroplano patungong Taiwan sa pamamagitan ng Eva Air flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nagprisinta ang foreign-looking suspect ng Philippine pasaporte pero nagduda daw ang mga Immigration officers matapos malamang hindi ito marunong magsalita ng tagalog o ano mang Philippine dialect.

Hindi rin umano nito masagot ang mga basic questions kaugnay ng kanyang identity.

Lumalabas naman sa database ng Bureau of Immigration na ang suspek ay nakailang biyahe na sa bansa gamit ang Canadian at Hong Kong passport at may hawak din itong permanent residence visa.

Nang isalang sa interview, inamin umano ng suspek na ang kanyang abogado ang nagproseso sa kanyang birth certificate para makapag-apply ng passport.

Pero hinala ng BI officers, ang passport at birth certificate ng suspek ay peke ring nakuha.