Pumanaw na ang Canadian world champion pole vaulter Shawn Barber sa edad na 29.
Ayon sa kaniyang agent na si Paul Doyle na dahil sa kumplikasyon ng sakit nito ay nalagutan na siya ng hininga sa bahay niya sa Kingwood, Texas.
Si Barber ay nagtala ng Canadian record sa pole vault noong Enero 2016 at nagwagi ng gold medal sa 2015 Pan American Games sa Toronto ganun din ang pagkampeon niya sa IAAF World Championship na ginanap sa Beijing, China.
Noong nasa kolehiyo pa lamang siya ay naging miyembro siya ng University of Akron’s track and field team kung saan naging three-time NCAA championship winner ito.
Nakapaglaro na rin ito sa 2016 Rio de Janeiro Games at nakapasok sa finals subalit nabigo kay Thiago Braz ng Brazil.
Ang kaniyan best vault ay 6 meters na siyang nananatiling record sa Canada.