-- Advertisements --

Magsasagawa ng seremoniya para sa proklamasyon sa pag-upo bilang hari ni King Charles III sa Ottawa ngayong araw ayon sa governor general ng Canada.

Magsisimula ang seremoniya dakong 10am eastern daylight time sa Rideau hall, ang official residence ng British-appointed governor-general na tumatayo on behalf ng monarch.

Si King Charles ay awtomatikong naging hari ng united kingdom at head of state ng 14 iba pang realms kabilang ang Canada nang pumanaw nitong Huwebes ang kaniyang ina na si Queen Elizabeth.

Bagama’t hindi na kolonya ng Britanya ang Canada mula noong 1867, nanatili pa rin ito sa British Empire hanggang 1982, at miyembro pa rin ng Komonwelt ng mga dating empire countries kung saan ang British monarch ang nagsisilbi bilang pinuno ng estado.