Nilampaso ng Canada ang Slovenia 100-89 para tuluyang makapasok sa semifinal round ng FIBA Basketball World Cup 2023 na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
Nagbuhos ng kabuuang 31 points, 10 rebounds at apat na assists si Shai Gilgeous-Alexander habang mayroogn 14 points at tatlong rebounds si Dillion Brooks.
Matapos na magtabla sa 50-50 sa pagtatapos ng first half ay mabilis na umarangkada ang Canada pagpasok ng third quarter.
Nakagawa agad ng 19-5 run ang Canada sa pangunguna nina RJ Barrett at ni Gilgeous-Alexander.
Nasayang ang nagawang 26 points, limang assists at apat na rebounds ni NBA star Luka Doncic para sa Slovenia.
Makakaharap ng Canada ang Serbia sa araw ng Biyernes habang ang Slovenia ay makakaharap ang Lithuania para sa Classification Phase sa Huwebes Setyembre 7.