-- Advertisements --

Inanunsyo ng gobyerno ng Canada ang $28.15-million investment para suportahan ang Pilipinas sa mga pagsisikap nito para sa climate adaptation, resilience laban sa mga natural na kalamidad, at pinabuting serbisyo sa health care services.

Inanunsyo ito ni Canada’s Minister of International Development Ahmed Hussen sa isang pahayag na inilabas sa government website ng naturang bansa, binigyang diin ang 75 taon na matatag na bilateral relations sa Pilipinas.

Susuportahan ng investment ang $8-million project ng Forest Foundation Philippines na naglalayong tumulong sa financing at capacity building para suportahan ang “gender-responsive, nature-based solutions” sa pagbabago ng klima at pagkawala ng biodiversity.

Sasakupin din nito ang $12.5-million project ng Alinea International na nakasentro sa pagpapalakas ng mga kapasidad ng pambansa at lokal na pamahalaan, pati na rin ng mga organisasyong pinamumunuan ng kababaihan, sa gender-responsive climate adaptation.

Kabilang rin dito ang $7-million project ng Plan International Canada na sumusuporta sa health-promotion campaigns, at nagpapalakas ng mga serbisyo sa mga malalayong komunidad, kasama ang pagbibigay ng pagsasanay para sa mga local health practitioner bilang pakikipag-ugnayan sa University of Montréal School of Public Health.