CEBU – Tinatayang aabot sa 300,000 indbidwal ang dumalo sa isang festival campaign rally na isinagawa sa City De Mare , South Road Property sa Cebu.
Base sa pagtataya ng kapulisan, nag nasabing bilang ay hindi pa kasali yung nasa labas ng venue na hindi makapasok dahil halos siksikan na ang tao sa loob.
Nagsimula ang nasabing rally bandang ala un nang hapon at natapos ito hanggang 12 ng gabi.
Pero kahit na maaga at mainit pa ang sikat ng araw nang ito ay sinimulan , ay hindi parin inantala nang mga supporters ang panahon dahil ramdam na ramdan ang lakas ng kanilang suporta para sa kanilang kandidato.
Nagsimula ang nasabing festival campaign rally sa pamamagitan ng kantahan mula sa ibat-ibang banda hanggang sa unti-unti nang nagdadatingan ang mga kandidato sa local at national positions.
Pasapit ng gabie mas lalo pang uminit at lumakas ang sigawan dahil mas dumami pa ang mga taong dumalo na gustong makisaya at makita ang sinusuportahang kandidato.
Dahil sa rami ng mga taong dumalo, batid na batid at ramdam na ramdan ang bigat ng trapiko na nakapalibot sa nasabing lugar o kahit paman nasa malayo ay apektado narin.
Nagsimulang maramdan ang bigat ng trapiko bandang alas 12 ng tanghali hanggang sa alas 11 ng gabi.