-- Advertisements --

Inihayag ng Cambodia ang kanilang kahandaan sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games mula Mayo 5 hanggang 17.

Sinabi ni Minister of Tourism Thong Khon na siya rin ang itinalagang permanent vice-president ng national committees para sa pagtataguyod ng 32nd SEA Games at 12th ASEAN Para Games na kanilang pinaplantsa na ang anumang kinakailangan para sa nasabing torneo.

Sa kabuuan ay mayroong 12,404 na atleta coaches at staff ang ipapadala ng 11 na bansang kalahok.

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na maging host ang bansa ay labis ang kanilang ginawang paghahanda.

Aabot naman as 5,000 na mga kapulisan at 3,000 na mga medical workers ang kanilang itinalaga para sa nasabing event.

Nag-imbita rin sila ng mga 1,000 na artists, 2,000 atleta at sundalo na magtatanghal para sa opening at closing ceremony.