-- Advertisements --
Cambodia vs Philippines
Cambodia vs Azkals

Isinalba ni midfielder Dennis Chung ang Young Azkals sa muntikan nang pagkatalo kontra Cambodia sa kanilang pagtutuos sa unang araw ng men’s football match sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Iniligtas ng substitute na si Chung ang koponan ng Pilipinas nang makapagpasok sa 94th minute ng laro para gawing 1-1 ang score kontra Cambodia.

Una rito, naging mailap para sa Young Azkals ang pagkakataon na makagawa ng puntos dahil sa matinding depensang ipinamalas ng kalaban na koponan.

Unang nakalamang ang Cambodia ng kumamana si forward Keo Sokpheng sa 41st minute ng laro makaraang ‘di naharang ni defender Amani Manuel Aguinaldo ng Pilipinas ang sipa nito.

Apat na beses na tinangka ni midfielder Yric Gallantes na makaslpak sa second half subalit palagi itong bitin.

Magugunita na noong 2017 SEA Games, ang Pilipinas ay may dalawang panalo sa kanilang group category, habang ang Cambodia naman ay bokya.