-- Advertisements --
Nananatiling mahigpit ang quarantine protocol sa Camarines Norte sa kabila ng pagkakadeklara sa probinsya bilang “COVID free” o wala nang kahit isang kaso ng deadly virus sa nasabing lugar.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, maging ang anim na active cases nitong nakalipas na mga araw ay tuluyan nang gumaling.
Sinabi ni Francisco na paiiralin pa rin nila ang mahigpit na screening sa mga dumarating sa probinsya upang hindi masayang ang kanilang nasimulan.
Nagpasalamat naman ang opisyal sa pakikiisa ng mga residente para mapanatili ang “zero COVID-19 case” sa kanilang lalawigan.