Lumagda na sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City at AztraZeneca para sa kanilang bibilhing 600,000 doses ng COVID-19 vaccine na ginawa ng naturang British firm.
Sa isang statement, sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na ang order nilang ito ay bahagi ng vaccination program ng kanilang lokal na pamahalaan.
“Nakikiapg-ugnayan tayo sa mga pharmaceutical company upang matiyak ng makakauha tayo ng bakuna pag ito ay aprubado na ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration,” ani Malapitan.
Ang national government ay naglaan na ng P73.2 billion para sa pagbili ng mga bakuna, kung saan P40 billion rito ay mula sa multilateral agencies, P20 billion ang galing sa domestic sources, at P13.2 billion naman sa bilateral agreements.
Samantala, ang private sector ay committed din sa pagbili ng 6 million doses ng COVID-19 vaccine mula rin sa AstraZeneca, kung saan kalahati rito ay ibibigay sa pamahalaan ng Pilipinas.
Bukod dito, ang Pilipinas kamakailan lang ay nakapag-secure na rin ng 30 million doses ng Covovax vaccine mula sa Serum Institute of India (SII), na siyang nakipag-partner na sa Faberco Life Sciences Inc. sa Pilipinas.










