Pinatatawag ng mga komite sa Kamara si Solicitor General Jose Calida para pagpaliwanagin sa halos P100-bilyong halaga ng pondo na hindi nakokolekta sa isang state-owned company.
Parehong Committee ong Good Government and Public Accountability at Committee on Public Accounts ang nag-imbita kay Calida na humarap sa pagdinig sa March 11, Miyerkules.
Gusto ng mga mambabatas na maglabas ng dokumento si Calida kaugnay ng P95.42-bilyong uncollected receivables ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).
Ayon sa mga kongresista, dapat isama ni Calida sa mga isusumite ang kopya ng inihain nitong Motion for Leave to Intervene in a court case.
“This move has been prompted by the failure of the OSG [Office of the Solicitor General] to attend the joint hearings conducted on Feb. 19 and 20, 2020 despite invitations,” ayon sa statement ng mga komite.
Natukoy ng mga kongresista na hindi pa nakokolekta ang P14.97-bilyong utang ng Manila Electric Company (Meralco) at P315.42-milyon mula sa First Gen Hydro Power Corporation.
Bukod sa mga nasabing kompanya, hindi pa rin daw nakakabayad ng P23.4-bilyon na utang mula sa PSALM ang South Premiere Power Corporation.
“While we welcome the move of those companies who have been persuaded to settle their accounts – noting that these funds belong to the people and will go a long way in ensuring that the Philippine’s plan for energy sufficiency and sustainability becomes a reality – there are still those who refuse to heed the President’s call to pay what they owe.”