Calatagan evacuation 3

Kakaiba ang sitwasyon ng ilang evacuation center sa Calatagan, Batangas, sa kabila ng lungkot na dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Tulad na lamang partikular sa covered court sa nasabing bayan sa Batangas, kung saan bahagyang napapawi ang pagkabagot ng mga evacuees doon mapa-bata man o matanda.

Maliban kasi sa seryosong relief operations katuwang ang mga civilian volunteers, may mga grupo rin ang nag-organisa ng libreng gupit at iba pang mga gimik sa paglipas ng bawat araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Kagawad Nysa Torres Mercado na isa ring principal, sinabi nito na bagama’t walang papremyo sa mga palaro sa mga bata, basta ang mahalaga ay magawa pa ring ngumiti at maging masaya pansamantala.

Hindi naman sa ipinagmamalaki namin, pero huwag po sana makalimutan, mayroon po kaming tinatawag na rosary brigade, tuwing alas-6:00 ng gabi. Nagre-request din po ang aming mga civilian volunteers na (kung posible) magkaroon din ng misa dito po sa evacuation center,” dagdag pa ni Kagawad Nysa.

-- Advertisement --

Kung maaalala, ang bayan ng Calatagan sa Batangas ay isa sa naging venue ng South East Asian Games partikular sa polo match na ginanap sa bansa noong nakaraang buwan.

SEA GAMES POLO MEDAL