-- Advertisements --
image 155

Inilabas ngayong araw December 15, 2022, ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang kanilang Resolution na nagdidiskwalipika kay Manuel N. Mamba bilang kandidato para sa posisyon ng Gobernador ng lalawigan ng Cagayan sa 9 May 2022 National and Local Elections.

Una rito inakusahan ni Ma Zarah Rose De Guzman Lara na naging kandidato rin sa pagka-gobernador sa katatapos na halalan si Mamba na noo’y nanunungkulang gobernador, na nakibahagi sa malawakang vote-bing noong panahon ng kampanya para sa halalan.

Ito ay sa pamamgitan daw ng pagkukunwaring paggamit ng pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa ilalim ng mga programang “No Barangay Left Behind” (NBLB) at/o “No Town Left Behind” (NLTB), at “Oplan Tulong sa Barangay,” sa kabila ng pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Regional Trial Court Branch 5 ng Tuguegarao City, Cagayan.

Dagdag pa, ang halagang P550,000,000 na ipinamahagi umano sa lahat ng mga rehistradong botante ng Cagayan at ang bawat botante ay nakatanggap ng P1,000 sa ilalim ng programa na “Krusada Kontra Korapsyon” (KKK).

Nanindigan si Lara na ang mga aksyong ito ni Mamba ay labag sa Section 68 ng Omnibus Election Code (OEC) na nagsasaad na ang sinumang kandidato na, sa isang aksyon o protesta kung saan siya ay isang partido, ay idineklara sa pamamagitan ng pinal na desisyon ng isang karampatang hukuman na nagkasala, o napatunayan ng Comelec na nagbigay ng pera o iba pang materyal na konsiderasyon upang impluwensiyahan, hikayatin o dungisan ang mga botante o mga pampublikong opisyal na gumaganap ng mga tungkuling electoral, ay dapat madiskwalipika sa pagpapatuloy bilang isang kandidato, o kung siya ay nahalal, sa paghawak ng katungkulan.

Ipinasya ng Comelec Second Division na bagama’t nabigo ang ipinakitang ebidensya na si Mamba ay nagkasala at dapat madiskuwalipika dahil sa vote-bang.

Sa ilalim ng Sec. 2 ng COMELEC Resolution No. 10747 ay bawal ang mga pampublikong opisyal o empleyado, mga opisyal ng barangay, at yaong mga korporasyong pag-aan o kontrolado ng gobyerno at kanilang mga subsidiary, na maglabas, mag-disburse o gumastos ng anumang pampublikong pondo mula 25 March 2022 hanggang 8 May 2022 sa ilalim ng mga pangyayaring nakasaad sa probisyon.

Sa kabila ng pagkakaroon ng Certificate of Exception sa ilalim ng Sec. 13 ng Comelec Resolution No. 10747, ang naturang exemption ay sumasaklaw lamang sa NTLB at sa kondisyon na ang halagang ibinayad sa panahon ng 45-araw na pagbabawal ay dapat isumite. Walang ibinigay na express exemption para sa Oplan Tulong sa Barangay at KKK Programs.