Pinaghahandaan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong babiyahe para sa Holy week rush.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, pinaplantsa na ang pagpapatupad ng taunang Oplan Biyaheng Ayos Semana Santa ngayong taon.
Lahat din ng 44 commercial airports na inooperate ng CAAP ay naghahanda na rin.
Ipinatupad na rin ng CAAP ng no leave policy sa kanilang empleyado ng mga paliparan sa kasagsagan ng Holy week para ma-maximize ang manpower para matugunan ang travel surge sa kasagsagan ng holiday sa tulong ng Philippine National Police-Aviation Security Group at Department of Transportation-Office of Transportation Security.
Inaasahan naman ng ahensiya na tataas ng 7 hanggang 10% ang bilang ng mga pasahero sa Holy week.