-- Advertisements --

Inanunsyo ng CAAP na wala na umanong mararanasang kahit anumang aberya sa NAIA matapos ang matagumpay na isinigawang maintenance shutdown.

Bumalik sa kasi sa normal ang operasyon ng mga paliparan sa buong bansa matapos ang dalawang oras na airspace shutdown.

Kung matatandaan, ang shutdown ay ipinatupad mula alas-2 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga para sa pagpapalit ng airspace management system’s uninterruptible power supply.

Ito ay upang maiwasan ang posibleng pagkasira ng suplay ng kuryente sa hinaharap.

Ang nasabing pagpapalit ay matapos din ang naturang insidente na nagresulta sa pagsasara ng airspace ng Pilipinas noong Araw ng Bagong Taon.

Kaugnay niyan, walang naapektuhang flight dahil walang natanggap na ulat ang CAAP mula sa Manila International Airport Authority.

Bago ang airspace shutdown, ang mga pasahero ay pinayuhan na makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng airline upang matukoy kung may mga pagbabagong ginawa hinggil sa kanilang mga naka-schedule na flight.