Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang hatol laban kay retired Major General Jovito Palparan dahil sa kidnapping at serious illegal detention ng dalawang University of the Philippines (UP) students noong 2006.
Sa desisyon na ibinaba ng CA First Division na may petsang May 31, 2022, pinagtibay nito ang reclusion perpetua o hanggang sa 40 taong pagkakakulong laban sa dating heneral na walang eligibility ng parole laban kay Palparan at dalawa pang co-accused na sina Lt. Col. Felipe Anotado, Jr. at staff sergeant Edgardo Osorio.
Taong 2018 nang ma-convict si Palparan ng Malolos, Bulacan court dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala noon ng mga UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
Guilty si Palparan sa pagdukot sa dalawang estudyante ng UP.
Si Cadapan at Empeño ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa kanilang nirerentahang bahay sa Hagonoy, Bulacan noong hapon ng June 26, 2006.