Pinagtibay ngayon ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon na nagdidiskuwalipika kay dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay, Jr na humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno dahil sa kontrobersiya sa P1.3-billion Makati Science High School building.
Inakusahan noon si Binay Jr. na pagmamanipula sa bidding process para sa Phase 6 ng school building pabor sa service contractor na Hilmarc na nagkakahalaga ng P166.85 million.
Dahil umano sa hindi kumpletong impormasyon sa inilabas na invitation to bid, ang Hilmarc lamanang ang nakapagsumite ng bid documents na may bid proposal na P165.26 million.
Dahil dito, sinabi ng Office of the Ombudsman na guilty ang nakababatang Binay ng serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ang desisyon naman ng Ombudsman noong Mayo 2019 ang pinagtibay ng CA.