AFP chief of staff Cirilito Sobejana 1
-- Advertisements --

Inaprubahan na ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nomination kay Armed Forcer of the Philippines chief of staff Cirilito Sobejana sa pinakamataas na ranggo sa military na four-star General.

Inaprubahan din ng CA ang nomination kay AFP-Human Rights Office Joel Alejandro Nacnac sa ranggo na Brigadier General, pati na rin ang nominations at ad interim appointments ng 32 senior officers ng military.

Bago ang plenary session ng CA, nagkaroon muna ng deliberasyon ang Committee on National Defense nila at inirekomenda ang approval sa nominations at ad interim appointments ng mga AFP officers.

Kabilang sa mga AFP officers na kinumpirma ng CA ang nomination ay sina: Cirilito Sobejana sa ranggo na General; Erick Escarcha sa ranggo na Brigadier General; Edgardo Palma sa ranggo na Brigadier General; Joel Alejandro Nacnac sa ranggo na Brigadier General;  Nestor Herico sa ranggo na Major General; Dorvin Jose Legaspi sa ranggo na Rear Admiral; at Philip Lapinid sa ranggo na Brigadier General.