Pinagmumulta ng Supreme Court (SC) ang incumbent o kasalukuyang Court of Appeals (CA) justice na katumbas ng isang taon niyang sahod dahil sa kabiguan nitong desisyunan ang 160 cases na kanyang hawak noong siya ay Regional Trial Court (RTC) judge pa lamang.
Si Justice Marilyn Lagura-Yap ay guilty sa Gross Inefficiency nuong Presiding Judge pa siya ng Branch 28, RTC ng Mandaue City dahil hindi naglabas ng desisyon sa 160 na mga kaso sa loob ng itinakdang panahon o reglementary period at hindi rin naisumite sa Judicial and Bar Council (JBC) ang mga certification of caseload na isa sa mga requirements nuong naga-apply pa lang siya bilang CA Justice noong 2011.
Nakasaad sa desisyon na immediately executory o agad na ipatutupad ang parusa at kailangan niya itong bayaran sa loob mg 30 araw sa oras na matanggap niya ang kopya ng desisyon.
Ang parusa kay Justice Lagura-Yap ay patunay lang anya na seryoso si Chief Justice Diosdado Peralta na linisin ang hanay ng hudikatura.