Posibleng magiging National Basketball Month ang buwan ng Abril para sa mga Pilipino.
Ito ay matapos na pumasa sa House Committee on Youth and Sports ang panukalang batas na naglalayong gawin o ideklara ang buwan ng Abril bilang Basketball Month.
Batay sa nilalaman ng nasabing batas, inaatasan ang mga ibat ibang ahensiya ng pamahalaan na gumawa at magpatupad ng mag programa at aktibidad bawat taon, bilang bahagi ng magiging selebrasyon.
Kinabibilangan ito ng mga ahensiya ng pamahalaan katulad ng Phil Sports Commission, Phil Olympic Committee, Department of Education, at Department of Interrior ang Local Government, kasama ang iba’t-ibang mga national sports association.
Ito ay kinabibilangan ng mga basketball event sa mga parke, inter-brgy games, exhibition games, libreng training, at libreng coaching ng basketball.
Layunin umano ng nasabing panukala na kilalanin ang larong basketball, kasama na ang positibong epekto nito sa kultura at lipunan sa buong bansa.