-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nabalot ng pasasalamat ang transgender na si Cassandra Havana Serdan, taga Barangay Agusan Peqqueño nitong lungsod ng Butuan matapos itong kinoronahang Miss International Trans 2023 na isinagawas sa Belgium.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Serdan, inihayag nito ang kaniyang karanasan sa pagsali sa pageant ng sinalihan rin sa iba’t ibang kandidata galing sa ibang bansa.

Naniniwala ito na ang kaniyang pagkatoto sa sagot sa question and answer portion na base sa kaniyang karanasan ay siyang nag-kumbinsi sa mga hurado na siya ang pipiliing mananalo.

Ayon kay Cassandra na 18-anyos na siya nang sumali sa mga pageant at noong nanalo ay nakumbinsi nito ang sarili na kaya rin niya ang international pageant.

Halos walang kalalagyan sa kaniya ngayong kasiyahan lalo na’t nakapagbigay ito ng karangalan sa Pilipinas.

Ngunit umaasa ito na sana mas makilala pa ang mga pageant ng transgender dito sa Pilipinas kagaya sa ibang mga beauty pageant.