TACLOBAN CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Samar Police Provincial Office (SPPO) kaugnay sa pagbaril-patay sa isang businesswoman sa bahagi ng Brgy Rawis, Calbayog City.

-- Advertisement --

Kinilala ang biktima na si Ann Romour, may asawa at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Col Andrei Dizon, provincial director ng Samar Police Provincial Office (SPPO), na isa sa kanilang tintingnang anggulo sa ngayon ay ang away sa gitna ng biktima at pamilya nito.

Naniniwala naman ang kapulisan na posible naman na iisa lang umano ang responsable sa pagpatay kay Ann Romour at sa tiyahin nitong dentista na binaril-patay naman noong Abril 2019.