-- Advertisements --

Inanunsyo ng Tokyo Metropolitan Government ang pagpapasara sa mga negosyo na kabilang sa anim na kategorya para labanan ang pagkalat ng coronavirus pandemic sa Japan.

Ayon kay Governor Koike Yuriko, ang naturang request ay para sa mga amusement facilities, unibersidad at cram schools, sports at recreation facilities, teatro, event at exhibition venues maging commercial facilities.

Sinabi pa ni Koike na pakikiusapan din ng mga opisyal mula Tokyo ang mga restaurants na magbukas lamang tuwing ala-singko ng umaga at magsara rin pagpatak ng alas-otso ng gabi.

Ipagbabawal din sa mga ito ang pagtitinda ng alcohol pagpatak ng ala-syete ng gabi.

Ang mga maliliit at mid-sized businesses na tatalima sa patakaran ay maaaring humingi ng tulong pinansyal na nagkakahalagang 500,000 yen o $4,600.