KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring pagkasunog ng isang unit ng Husky Bus sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay F/Insp. Russel Basuel ng BFP Tantangan, ipinahayag nito na galing sa General Santos City at papunta sa lungsod ng Cotabato ang bus na minamaneho ni Abdulmanan Kindi, 42-anyos at residente ng Dalikan, Cotabato City nang mangyari ang sunog.

Ayon kay Basuel, isang pasehero ang nakaramdam na umiinit ang likurang bahagi ng bus na agad na tiningnan ng driver at natuklasang umaaapoy na ang battery nito.

Dahil dito, agad na pinababa ang halos 40 pasahero na sakay nito dahilan upang walang maitalang casualty o sugatan.

Nagapag-alamang totally damaged ang nasabing bus.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing driver at patuloy pa na inaalam ang kabuuang danyos na iniwan ng sunog.