-- Advertisements --
image 89

Dadaan na sa masinsinang inspection ang mga charging equipment, charging stations, at mga liquefied petroleum gas (LPG) regulators.

Ito, ayon sa Bureau of Product Standards (BPS), ay upang matiyak na ang mga ito ay nakakasunod sa itinatakda ng mandatory standards.

Ayon kay BPS director Neil Catajay, marami na ang mga reklamong kanilang natatanggap ukol sa kaligtasan ng paggamit sa mga naturang produkto, kasama na ang ilang ulat na pinagmumulan ang mga ito ng sunog.

Para sa mga charging equipment at charging stations ng mga e-vehicle, nais ng BPS na dadaan muna ang mga ito sa tamang inspection bago ang installation.

Kailangan umanong papasa din ang mga ito sa Philippine National Standards.

Para sa mga LPG regulators, pinapatiyak ng BPS na bago maibenta ay dadaan muna sa masinsinang product testing at inspection.

Ayon sa ahensiya, kailangang matiyak na ang tatlong nabanggit na produkto ay ligtas na gamitin, lalo at maraming mga Pilipino ang gumagamit sa mga ito, araw-araw.