-- Advertisements --
Patuloy daw ngayon ang paghahanap ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ng mga karagdagang medical personnel ang.
Sa anunsiyo ng BJMP-National Capital Region Recruitment Section, nangangailangan sila ngayon ng mga doktor, nurse at iba pang mga medical expert.
Itatalaga sila sa mga BJMP offices para tutukan ang kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty sa mga bilangguan sa bansa.
Aabot sa tatlumput pitong libong piso ang kanilang matatanggap na sweldo para sa entry level position na Jail Officer 1.
Para sa iba pang katanungan at mga requirement ay maaaring bisitahin ang BJMP-NCR Recruitment FB page.