-- Advertisements --
BIR

Masayang ibinahagi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na napanatili ng mga ito ang 100 percent Resolution and Compliance Rate nito, sa paghawak ng mga reklamo sa 3rd Quarter ng 2022.

Batay ito sa ulat ng 8888 Citizens’ Complaint Center sa ilalim ng Office of the President.

Base sa datos, mula Enero 1 hanggang Setyembre 30, 2022, abot sa kabuuang 1,027 reklamo o concern ng mamamayan ang natanggap ng BIR at lahat ay naaksyunan, kayat nakamit ang 100 percent resolution rate.

Ito ay dahil rin sa pagpursige ng BIR employees, na lahat ng nasabing concern ay idineklarang “closed” na sa loob ng 72-oras ng itinakdang panahon ng pagproseso.

Sinabi ni BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, na ang paghawak ng mga reklamo ay patuloy na magiging prayoridad sa BIR, upang matiyak na mahusay at epektibong naihahatid ang serbisyo sa mga taxpayer.