Nagpagayag ng pagkaalarma ang Bureau of Immigration ukol sa umanoy tumataas na bilang ng mga counterfeit Commission on Filipinos Overseas (CFO) certificates na ginagamit ng mga traffickers para pagsamantalahan ang mga babaeng Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Bureau of Immigration Commisioner Norman Tansinco, natukoy ng mga Immigration officers ang maraming CFO na kalimitang ginagamit ng mga illegal recruiters, kasama na ang mga pekeng CFO Guidance and Counseling Program(GCP) certificates.
Ang GCPay isang mandatoryong pre-departure seminar na inoorganisa ng CFO upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pinoy na posibleng pumasok sa inter-marriage at bi-national relationship, o pakikipagrelasyon sa mga hindi kadugo.
Nakalagay aniya sa mga nabanggit na pekeng certificate na matagumpay na natapos ng sinumang holder nito ang GCP, at maaari na siyang makabiyahe sa ibayong dagat.
Pinakahuli aniya sa kanilang natuntun ay ang isang insidente na nangyari noong Hunyo-16 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan isang 29-anyos na babaeng Pilipino ang napigilan ng BI na bibiyahe sana patungong China. Ayon sa opisyal, peke ang ipinakita niyang dokumento.
Maliban dito, ilang kababaihan din ang napigilan nilang makabiyahe nuong buwan ng Mayo na pawang mga pekeng counseling certificates ang ipinakita nilang mga dokumento.
Ayon sa BI official, nahihikayat ng mga recruiters ang mga kababaihan dahil sa alok nilang mataas na sahod sa abroad, investment, at maging ang love scam.
Sa likod ng paglipana ng mga nabanggit na certificate, tiniyak naman ni Tansinco na mabilis lamang matukoy ang mga ito dahil may nakalagay na information link sa pagitan ng BI at ng CFO