-- Advertisements --

Bumuo ang Bureau of Customs (BOC) ng bagong unit na siyang magmomonitor sa pagpasok at paglabas ng mga suplay ng baril at accesories, chemicals at iba pang kasangkapan na ginagamit sa paggawa ng mga firecrackers o paputok at explosive materials o pampasabog.

Ang pagbuo sa naturang unit ay sakop ng issuance ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 27-2022.

Ayon kay BOC acting commissioner Yogi Filemon Ruiz na saklaw sa naturang unit ang implementasyon ng mga polisiya at procedures may kinalaman sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions and Providing Penalties for Violation.

Ang mga piling personnel ng Enforcement and Security Service (ESS) na naitalaga sa 17 ports of entry ay matatalaga bilang contact persons para makipag-ugnayan sa Customs Firearms and Explosives Unit (CFEU).

Habang ang CFEU ay naatasang makipagtulungan sa ibang government law enforcement agencies para sa efficient at epektibong Firearms and Explosives control.

Ang bagong unit ayon sa BOC official ay bahagi ng 7 priority program sng Custom Bureau alinsunod sa direktiba ng Pangulong Marcos para mapigilan ang smuggling sa bansa kaakibat ng pagtiyak sa seguridad at kapakanan ng publiko.

Top