-- Advertisements --
Binalaan ngayon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang lahat ng mga bansa sa buong mundo na maghanda sakaling gumamit ng nuclear weapons si Russian President Vladimir Putin sa giyera laban sa kanilang bansa.
Naniniwala si Zelensky na walang halaga kay Putin ang buhay ng mamamayan ng Ukraine.
Aminado naman si Zelensky na bagamat hindi man ito totoong impormasyon, maari namang magkatotoo sa hinaharap.
Sa panayam ng CNN sa lider ng Ukraine kasabay ng ika-51 araw mula ng ilunsad ng Russia ang giyera, sinabi nito na sa ngayon iniisip na lamang nila na ‘wag matakot at sa halip ay paghandaan ang susunod na mga hakbang ng Russian forces.