-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Ikinalaarma ng Department of Health (DOH) Bicol ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Nakita ng DOH ang mabilis na pagdami ng COVID-19 infections sa rehiyon mula Enero 8 hanggang 14.

Karamihan sa mga nagpositibo ay mayroong history of travel.

Marami na rin na mga health workers ang nagpopositibo sa sakit tulad sa isang COVID-19 referral hospital sa Naga City, ang Bicol Medical Center.

Dahil dito isinailalim na sa alert level 3 ng National Inter-Agency Task force ang Naga City, Albay at Camarines Sur mula Enero 16 hanggang 31.

Subalit kung datos o ang local assessment ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH Bicol ang pagbabasehan, nasa alert level 3 o nasa high risk na ang klasipikasyon ng buong Bicol maliban sa Ligao City sa Albay na nasa alert level 2.

Batay ito sa isinagawang assessment and monitoring ng tanggapan, pagdating sa bed utilization rate, one week growth rate at COVID variants sa rehiyon.

Sa pinakahuling datos ng tanggapan nasa 459 ang bagong kaso sa Bicol dahil dito umaabot na sa 49,820 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa rehyon.

Nasa 4,531 ang aktibong kaso at 43,288 naman ang mga gumaling habang umabot na sa 2001 ang death toll.