NAGA CITY – Sugatan ang isang buntis (walong buwan) sa Infanta, Quezon matapos umanong pagtatagain ng kaniyang sariling bayaw.

Kinilala ang biktima na si Angelica Miranda, 27.

Batay sa ulat ng Infanta PNP, bigla na lang daw sinaksak ng salarin na si Cristopher Miranda, 21 ang biktima habang naghuhugas ng pinagkainan sa kusina.

Napag-alaman namang lasing ang suspek nang mangyari ang insidente.

Agad umanong nadala sa pagamutan dahil sa mga tinamo nitong sugat.

Sa ngayon inihahanda na ang kasong frustrated homicide na isasampa laban sa suspek.