ILOILO CITY – Napilitang magsilang ang isang buntis sa barangay health center ng Sooc, Arevalo, Iloilo City.
Ito’y matapos umanong tanggihan ng lahat ng mga ospital at klinika sa lungsod.
Napag-alaman na nagdeklara ng temporary closure sa OB-GYN services ang mga ospital sa Iloilo dahil daw sa sobrang pagod ng mga doktor.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Mary Anne Lamis, ina ng nurse na tumulong sa buntis, sinabi nito na dinala sa Western Visayas Medical Center at West Visayas State University Medical Center ang pasyente ngunit hindi tinanggap.
Dahil dito, ang anak na lang ni Lamis ang tumulong sa pagpapaanak sa buntis.
Napag-alaman na isa sa mga problema ng mga buntis sa Iloilo ay pagtanggi sa kanila ng mga ospital at klinika.