-- Advertisements --
Napigilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Police District ang tangkang pagtalon ng isang babae sa footbridge ng Recto Avenue sa Maynila ngayong araw, June 16.
Unang napansin ng mga dumadaan sa naturang footbridge ang kakaibang kilos ng naturang babae, hanggang sa ipinaabot nila ito sa mga enforcer ng MMDA at mga pulis na nasa lugar.
Agad namang kinausap ng mga ito ang naturang babae upang ilayo mula sa footbridge ngunit nagpumilit umano siya habang umiiyak.
Kinalaunan, dumating ang kaniyang asawa sa naturang lugar at tuluyan siyang kinausap.
Batay sa impormasyong inilabas ng mga otoridad, nababalisa ang naturang babae dahil sa umano’y pagnanais ng kaniyang asawa na iwanan siya, kasama ang dalawa nilang anak.