-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala ang Bulkang Bulusan ng 80 volcanic earthquakes ang Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Inisyal na iniulat ng Phivolcs gabi ng Lunes na nasa 65 volcanic earthquakes ang namonitor mula sa Bulkan.

Ayon sa phivolcs, ngbuga din ang bulkan ng 660 tonelada ng sulfur dioxide na mayroong plume na umabot sa 300 metrong taas at napadpad sa kanlurang timog kanluran ng probinsiya ng Sorsogon.

Nananatili pa rin sa alert level 1 ag Bulkan, nangangahulugan na posible pa rin na mangyari ang panibagong pag-alburuto sa bulkan.

Top