Inilikas na ang mga residente na malapit sa La Palma sa Canary Island ng Spain matapos ang pagsabog ng bulkan.

Nagbuga ng makapal na abo sa ere mula sa Cumbre Vieja national park.

Aabot sa mahigit 22,000 na pagyanig ang naranasan sa lugar mula pa noong nakaraang linggo.

Unang naitalang sumabog ang bulkan noong 1430 at huling naging aktibo ito ay noong 1971.