-- Advertisements --

Hinikayat ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang national government na magkaroon ng master plan para sa pagpapataas ng mga kalsada.

Sinabi pa nito na mahalaga na mapataas ang mga kalsada sa Manila-Bataan Coastal Highway para mabawasan ang palagiang pagbaha sa kanilang lugar.

Mula pa aniya noong mga nakaraang araw ay lubog na sa baha ang kaniyang probinsiya kaya nararapat aniya na gumawa ng aksyon ang national government dito.

Iminungkahi nito ang masusing pag-aaral sa master plan at ang istriktong on land conversion na magdudulot ng pagbaha.